Party-list solon, pinatitiyak na di mahihinto ang barangay services dahil sa kampanya para sa BSK Elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang isang mambabatas na hindi dapat mabalam o mahinto ang serbisyong ibinibigay ng mga barangay dahil lang sa pangangampanya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay Anakalusugan Party-list Representative Ray Reyes kahit kampanya ay hindi pa rin natatapos ang trabaho ng mga nakaupong opisyal ng barangay.

“Paalala lang po sa ating mga incumbent barangay officials na kahit simula na ng campaign period… hindi pa rin natatapos ang kanilang trabaho sa barangay,” sabi ni Reyes.

Paalala nito na napakahalaga ng mga programa sa mga barangay lalo na ang health services at hindi dapat maging hadlang ang pangangampanya sa pagbibigay ng karampatang serbisyo para sa publiko.

Kamakailan nang magsagawa ng libreng flu at anti pneumonia vaccination ang Anakalusugan sa Bauan, Batangas kung saan sumuporta ang mga opisyal ng barangay, kasama na ang Barangay health workers. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us