Special protocols sa mga ospital, punerarya sa pag-asikaso sa posibleng hazing victim, itinutulak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ni BHW Partylist Representative Angelica Natasha Co ang pagkakaroon ng special security protocols sa mga ospital at punerarya kapag nakatatanggap sila ng mga pasyenteng pinaghihinalaang naging biktima ng hazing.

Punto ng mambabatas, na madalas sa mga hazing cases, nagkakatalo sa autopsy o medico-legal findings at ng mga medical abstract.

Kaya mahalaga aniya na maisailalim ang mga ospital at doktor sa kung paano hahawakan ang isang posibleng hazing victim.

May mga pagkakataon din aniya na nagsisilbing conspirators o kasabwat ang ilang nursing, medtech o medicine students sa grupo dahil sila ang nagbibigay ng paunang lunas tuwing may hazing rights.

Kailangan din aniya magtulungan ang Department of Health (DOH) at Department of Justice (DOJ) sa paglalatag ng proseso sa pagsasagawa ng autopsy sa posibleng hazing victim.

May mga pagkakataon kasi aniya na nasisira o nawawala ang ebidensya na magagamit sana sa pagsasampa ng kaso. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us