Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection ang pagkakaaresto ng isa nitong personnel dahil sa kasong ‘estafa’.
Sa isang pahayag, sinabi ng BFP na naaresto si FO1 Ramces Paul Baylon Benipayo sa isang entrapment operation na ikinasa ng PNP Criminal Detection and Investigation Group katuwang ang Bureau of Fire Protection Directorate for Intelligence and Investigation pasado alas-4 ng hapon kahapon sa isang mall sa Muntinlupa.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nangikil ng P200,000 si FO1 Benipayo kapalit ng promotion slot sa ahensya.
Mahaharap ngayon sa parehong criminal at administrative charges si Benipayo.
Kaugnay nito, iginiit naman ng BFP na hindi nito kinukunsinte kailanman ang pagbebenta ng recruitment at promotion slots.
Tiniyak naman ng BFP na mananagot ang nahuling personnel. | ulat ni Merry Ann Bastasa