Suportado ng Department of Finance ang panukalang amyenda sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Act.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ang ipinapanukalang amyenda sa CREATE Act ay upang mapalakas ang mga insentibo at magbibigay linaw sa mga alituntunin at patakaran sa pagkakaloob ng mga insentibo sa mga kwalipikadong negosyo.
Tugon din ito sa mga isyu na nakakaapekto sa investment climate sa bansa.
Kabilang sa major areas of reform ay ang ‘CREATE MORE’ na naglalayong i-streamline ang tax refund system para sa mga rehistradong negosyo at ang pagtatatag ng “risk based classification of claims and audit framework”.
Diin ng kalihim, ang panukalang amyenda ay upang paghusayin at mapabuti ang proseso ng VAT refund at makamit ang hangarin na gawing “global investment hub” ang Pilipinas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes