People’s Survival Fund Board, inaprubahan ang 5 bagong climate adaptation projects na nagkakahalaga ng P539-M

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng People’s Survival Fund Board ang P539 milyon na pondo para sa climate adaptation projects.

Ang People’s Survival Fund ay itinatag sa ilalim ng RA 10174 na naglalayong pondohan ang mga adaptation programs and project ng local government units at accredited local and community organizations.

Kabilang dito ang mga newly- approved project sa probinsya ng Mt. Province at Borongan, munisipyo ng Maramag, Bukidnon, Cabagan, Isabela at , Catanauan, Quezon na pawang mga ‘climate vulnerable’.

Sa paraan naman ng pag-aapruba ng proyekto, kinukunsidera ng PSF ang ‘level of risk and vulnerability’ sa nagbabagong klima, mga apektadong komunidad at poverty reduction.

Pinuri naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno na siyang tagapamuno ng PSF ang board members nito sa agarang pag-apruba ng mga proyekto na pakikinabangan ng mga mamayan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us