“All systems go” na ang Visayas Command (VISCOM) para sa nalalapit na Barangay at SK Elections (BSKE) 2023.
Ayon kay VISCOM Commander Lieutenant General Benedict Arevalo kabuuang 17,463 opisyal, enlisted personnel, at CAFGU Active Auxiliary ang kanilang idedeploy upang matiyak ang maayos, malinis at ligtas na halalan sa buong Visayas Region.
Sa bilang na ito, 5,866 ang magtitiyak ng seguridad sa BSKE sa Region 6; 5,356 sa Region 7; at halos 6,000 personnel sa Region 8.
Sinabi ni Arevalo kalahati sa mga naka-deploy na pwersa ang naka-tutok sa military operations sa mga liblib na lugar sa rehiyon upang mapigilan ang possibleng panggugulo ng mga teroristang komunista sa halalan.
Habang ang nalalabing kalahati naman ay magiging katuwang ng PNP at Philippine Coast Guard sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga polling centers, sa pagbabyahe ng mga election paraphernalia at pagsasagawa ng COMELEC checkpoints.
Ginawa ni Arevalo ang pahayag sa 3rd Quarter Meeting ng Visayas Joint Peace and Security Coordinating Center. | ulat ni Leo Sarne
📷 VISCOM