Kumpiyansa si House Committee on Public Order and Safety Chair Dan Fernandez na madaragadagan pa ang mga makukumpiskang iligal na droga ng pamahalaan.
Aniya, simula nang umupo ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pwesto noong Hulyo 2022 hanggang ngayong Setyembre 2023 ay pumalo na sa higit apat na tonelada ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad.
Sa kabila ng malakihang drug haul na ito ay bumaba sa 19 siyam lamang ang nasawi sa mga operasyon kumpara sa 40 ng kaparehong panahon noong 2020 hanggang 2021.
Kaya naniniwala si Fernandez na basta’t magtutulungan ang mga awtoridad, ang lehislatura sa kanilang oversight function at ang taumbayan ay tuluyang malilinis ang bansa mula sa iligal na droga.
“Getting rid of the illegal drugs that we confiscate from the streets means that these substances will no longer harm Filipinos. On top of this, the producers and pushers of these drugs will never recover their losses. This is what we want to achieve in the drug war and so far we have been hitting our mark during the Marcos administration…We will have more successes in this campaign for sure.” sabi ni Fernandez.
Kasama ang Laguna solon sa mga opisyal na sumaksi sa ginawang pagwasak ng PDEA sa mga nasabat na iligal na droga na nagkakahalaga ng halos P6 billion. | ulat ni Kathleen Jean Forbes