VP Sara Duterte, personal na ipinaabot sa kinatawan ng Israel ang mensahe ng pakikiramay at pag-asang pagtatapos ng gulo sa nasabing bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na ipinaabot ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang taos-pusong pakikiramay sa pamahalaan ng Israel na ngayo’y humaharap sa matinding krisis buhat sa banta ng Hamas at Hezbollah.

Ito’y makaraang magsagawa ng courtesy call sa Pangalawang Pangulo si Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa Pasig City.

Sa isang pahayag, sinabi ni VP Sara na kaniyang pinasalamatan ang Israel sa pagkilala nito sa tapang at katatagan ng mga Pilipino na nasawi gayundin sa tulong na ipinaabot ng naturang bansa sa mga naulilang pamilya.

Kasunod nito, tiniyak din ni VP Sara kay Ambassador Fluss ang pakikiisa ng Pilipinas sa paghahanap ng solusyon upang makamit ang ganap na kapayapaan, lalo’t mga inosente ang nagiging biktima partikular na ang mga bata.

Natalakay din sa pulong ng dalawang opisyal ang pagtutulungan ng Pilipinas at Israel, para sa pagpapalago ng edukasyon gayundin ang pagsuporta sa mga repormang isinusulong ng Education Department. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us