Senador Francis Tolentino, sinabihan ang FDA na hindi nila pwedeng ipasa sa iba ang pagtitiyak na ligtas ang mga ASF vaccine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senador Francis Tolentino na hindi pwedeng ipasa ng Food and Drug Administration (FDA) ang repsonsibilidad sa pagtitiyak na ligtas, epektibo at de-kalidad ang mga health products sa Pilipinas.

Kasama na dito ang mga pagkain, gamot, cosmetics, devices at biological sa bansa.

Sinabi ito ng Tolentino sa naging pagdinig ng Senate Committee on Agriculture tungkol sa paglaganap ng hindi awtorisadong pagbebenta ng mga african swine fever (ASF) vaccine sa merkado.

Sa pagdinig ay napag-alaman na mayroong joint memorandum circular ang BAI at ang FDA tungkol sa mga hakbang sa pagprotekta sa mga hayop mula sa ASF.

Ayon sa BAI, nag-endorso lang sila sa FDA na maigyan ng special permit ang pag-aangkat ng 300,000 doses ng ASF vaccine.

Pero giit naman ng FDA, hindi na sila maaaring magmonitor ng clinical trials dahil sila na ang regulator at nag-apruba ng clinical trial protocol.

Binigyang diin ni Tolentino na kahit pa pinapayagan na magtulungan ang dalawang ahensya ay dapat ang FDA pa rin ang in-charge.

Hindi aniya maaaring ipasa o ipaubaya ng FDA ang kanilang trabaho sa ibang ahensya, kahit pa sa BAI. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us