Proseso ng pagbili ng BAI ng mga bakuna kontra ASF, kinuwestiyon ni Sen. Cynthia Villar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napagsabihan ni Senadora Cynthia Villar ang mga opisyal ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Food and Drug Administration (FDA) dahil sa tila pagmamadali na maiangkat ang bakuna laban sa Arican Sine Fever (ASF).

Sa naging pagdinig ng Senate committee of agriculture, tinanong ni Villar ang BAI kung bakit iangkat at binili na nito ang ASF vaccine mula Vietnam kahit hindi pa ito aprubado doon.

Napag-alaman sa pagdinig na noong lang July 23, 2023 inaprubahan ng Vietnam ang ASF vaccine pero noon pang June 2, 2023 natapos ang clinical trial nito dito sa Pilipinas.

Binigyang diin rin ni Villar na 60 thousand doses lang ang kailangang bakuna para sa clinical trial pero umabot sa 300 thousand doses ng bakuna na inangkat ng BAI.

Lalo pang ikinainis ng senadora na ang pribadong kumpanya na siyang nagsu-supply ng bakuna ang siyang nagsagawa ng clinical trial sa halip na ang mga taga-BAI.

Giit ng mambabatas, mahirap na ipagkatiwala sa pribadong sektor ang clinical trial dahil malaki ang posibilidad na magiging bias ito upang bilhin ng pamahalaan ang mga bakuna.

Binahagi ng FDA na inaprubahan nila ang emergency use authority ng ASF vaccine batay sa request ng BAI.

Habang pinaliwanag naman ng BAI na binilisan nila ang pagbili ng bakuna dahil nag-aagawan ang mga bansa sa buong mundo na makakuha ng bakuna kontra ASF.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us