Nakipagpulong ang mga senador kay King Felipe VI ng Spain sa Palacio de la Zarzuela sa Madrid, nitong lunes.
Ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nagkaroon ang ating mga senador ng pribadong pagpupulong kasama ang Hari ng Espanya.
Dito aniya ay tinalakay nila kung paanong mapapatatag ang pagkakaibigan at partnership ng Pilipinas at Spain.
Partikular na aniya sa trade and industry, security and defense at people-to-people exchanges.
Sinabi ni Zubiri, na ang meeting na ito ay nagmamarka ng isa pang mahalagang milestone sa malalim at matatag na pagkakaibigan ng ating mga bansa.
Binigyang diin naman ni King Felipe, na nakikita niya ang oportunidad para sa people-to-people exchanges sa pagitan ng Pilipinas at Spain, lalo na’t mahalaga ang migrant Filipino workers sa kanilang bansa.
Kabilang sa mga senador na kasama ni Zubiri sa Espanya sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senador Sonny Angara, Sen. Grace Poe, Sen. Pia Cayetano, Sen. Nancy Binay, Senador JV Ejercito, at Senador Mark Villar. | ulat ni Nimfa Asuncion