Philippine Mayors Forum, ilulunsad ng DILG at UN

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinakda na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Oktubre 27 ang Philippine Mayors Forum sa Crowne Plaza Manila Galleria, Quezon City.

Ito’y sa pakikipagtulungan ng UN Resident Coordinator’s Office at United Nations Development Programme (UNDP) Philippines.

Nilalayon ng aktibidad na i-highlight ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga local government units sa pagkamit ng United Nations Department of Economic and Social Affairs 2030 Agenda for Sustainable Development Goals (SDGs).

Dadaluhan ito nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at DILG Secretary Benhur Abalos, mga alkalde, government officials, mga kinatawan ng UN, at international experts.

Sinabi ni Abalos na ang forum ay idinisenyo upang bigyang kapangyarihan ang mga LGU bilang kaalyado ng gobyerno habang binibigyang-diin din ang kanilang kritikal na kontribusyon sa pagpapatupad ng SDGs tungo sa pagkamit ng Ambisyon Natin 2040.

Sinabi pa ni Abalos na ang localization ng SDGs ay mahalaga dahil ito ay nasa core ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.

Ang PDP ay batay sa eight-point socio-economic agenda ng administrasyong Marcos, na nagsisilbing pangkalahatang economic blueprint ng bansa sa pagpaplano ng pag-unlad para sa susunod na anim na taon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us