Pagpapalakas pa ng kakayahan ng Pilipinong atleta, ipinangako ni Pangulong Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibigay pugay sa mga Pilipinong atleta na nag-uwi ng medalya mula sa 2023 Asian Games.

Sa welcoming at awarding ceremony na inihanda ng Office of the President at Presidential Communications Office (PCO), siniguro ng pangulo ang pagpapatuloy pa ng suporta ng pamahalaan sa pagpapalakas ng mga atletang Pilipino.

“And that’s why the Philippine Sports Commission is implementing a Five-Year Sports Development Plan 2023-2028. This Plan aims to address the long-standing concerns of Filipino athletes by encouraging participation in all levels of government and the private sector, ensuring – para makatiyak tayo na nandiyan ang suporta para sa ating mga atleta, ating mga sports association, at pinapaganda ang lahat ng nakikilahok sa sports at every level.” —Pangulong Marcos.

Bukod sa mga atleta, sinaluduhan rin ng pangulo ang pamilya, coaches, at lahat ng indibidwal na nasa likod ng mga atleta mula sa pagsasanay.

“Of course, again, we must recognize the efforts ng ating mga coach, ng inyong mga pamilya na malaki ang kanilang sinakripisyo na hindi lang ilang araw, hindi lang ilang linggo, kung hindi ilang taon upang kayo ay maging ganyan kagaling, upang tulungan kayo na makuha ninyo ang inyong pinapangarap na mga medalya para sa Pilipinas.” —Pangulong Marcos.

Hinamon ng pangulo ang mga atleta na manatiling inspirasyon sa mga susunod na atleta ng Pilipinas.

“Lahat ng ating kayang gawin para suportahan ang ating mga atleta ay ating ginagawa. We provide assistance to state universities and colleges to fix and  refurbish – para pagandahin ang sports facilities, we explore partnerships with the private sector to construct basketball courts in public schools, gyms, facilities.  We encourage our LGUs to support sports in the development of their respective localities.” —Pangulong Marcos.

Bawat medalist na ay makakatanggap ng insentibo mula sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pamamagitan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng 19.1 million pesos.

“We are developing the New Clark City as a sports hub in the Philippines. Our national athletes and those training to represent the country in international sports will also utilize the training facilities of the New Clark City Athletics Stadium and the Aquatics Center for free. We also need to take care of our athletes who are injured during training and competition.  So, I direct the Philippine Sports Commission: work with PAGCOR and other agencies to strengthen our Medical Scientific Athlete Services unit.” —Pangulong Marcos.

Bukod pa ito sa insentibo na ibibigay ng Office of the President, na nagkakahalaga nf Php22.8 million.

“We need to help our injured athletes so that they recover quickly and they can get back in the game. Finally, we are dedicated to fully developing future athletes who will proudly represent our country.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us