SSS, itinaas ang funeral benefits sa mga miyembro nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na mas mataas na ang nakalaang Funeral Benefit nito para sa kanilang miyembro.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, epektibo mula October 20 ay itinaas na sa hanggang ₱60,000 ang maximum na halaga ng maaaring funeral benefit ng isang miyembro depende sa laki ng kontribusyon nito.

“The new guidelines provided under SSS Circular 2023-009 aim to incentivize active membership by raising the maximum amount of funeral benefit to ₱60,000 and streamline the provision of funeral benefits to claimants, especially for surviving legal spouses,” pahayag ni Macasaet.

Paliwanag nito, mula ₱20,000-₱60,000 ang makukuha ng pamilya ng pumanaw na miyembro kung nakapaghulog na ito ng 36 buwan o higit pa.

Nasa ₱12,000 naman ang makukuha ng isang miyembro na pumanaw na at nakapaghulog ng kahit isang buwan o hindi lalagpas sa 36 buwan.

Sakop ng Enhanced Funeral Benefit ang embalming services, burial transfer services, at permits, funeral services, cremation o interment services, pagbili o pagrenta ng kabaong, pagpapagawa ng nitso o pagbili ng memorial lot/columbarium, memorial/funeral insurance plan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us