Unang taon bilang insurgency-free Davao Region, ipagdiriwang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipagdiriwang ng buong Davao Region ang unang taon ng pagiging insurgency-free region nito ngayong darating na Biyernes, Oktubre 27, 2023.

Ito ang inihayag ni 10th Infantry Division Public Affairs Officer Maj. Mark Anthony Tito sa isinagawang AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao Media Briefing sa The Royal Mandaya Hotel.

Ayon kay Tito na pangungunahan ng Davao Regional Peace and Order Council (RPOC) ang nasabing selebrasyon kung sa pamamagitan ng isang seremonya.

Iginiit ng opisyal na patuloy nilang babantayan ang buong Davao Region laban sa posibleng resurgence ng grupong New People’s Army (NPA) na matagal ring sumakop lalo na sa mga malalayong barangay sa rehiyon.

Inilahad nito na puspusan pa rin ang isinasagawang Focus Military Operations para ang mga NPA na lumipat sa ibang lugar para magpalamig ay tuluyan ng hindi makakabalik.

Bukod sa opensibang militar, pinapaigting pa rin ng kasundaluhan ang Intelligence Monitoring dahil ang nabuwag lang umano ay ang armadong grupo lang ng Communist Party of the Philippines at hindi ang legal fronts na patuloy pa rin sa panguudyok laban sa pamahalaan. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us