Tiniyak ng Agoo Municipal Tourism Office na mae-enjoy ng mga bisita ang kanilang pamamasyal sa tanyag na Agoo Baywalk sa Agoo, La Uniom sa darating na long holiday.
Ito’y dahil sa pagsasagawa ng OPLAN UNDAS 2023: Coastal Clean-up sa Agoo Baywalk.
Layunin ng clean-up na maging maayos at masaya ang pamamasyal ng mga turista sa pamamagitan ng pagtataguyod ng tamang pagtatapon ng basura at pagpapanatiling malinis sa gilid ng dagat.
Nananiniwala ang tourism office na ito ay magandang huwaran sa publiko, hindi lang sa pagpapakita na ginagawa nila ang kanilang tungkulin bilang mga environmental defenders kundi mga tagapagtaguyod ng malinis na tourism sites.
Inaasahang sa darating na holiday ay muling dadagsa ang mga turista sa Agoo Baywalk. | ulat ni Glenda B. Sarac | RP1 Agoo
📷Agoo Tourism Office