Indigenous People at mga residente sa GIDA, nangangailangan ng mas maayos na access sa serbisyong pangkalusugan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatututukan ng isang mambabatas ang health services sa mga isolated at malalayong lugar sa bansa.

Ayon kay Anakalusugan Party-list Representative Ray Reyes, sa kabila ng implementasyon ng Universal Healthcare Act, ay kulang pa rin sa access sa serbisyong pangkalusugan ang mga indigenouse people o IP at yung mga nakatira sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).

Bunsod nito itinutulak ng mambabatas na madagdagan ang pondo para mailapit ang health services sa publiko lalo na ang mga miyembro ng indigenouse communities.

Punto nito na sa pag-rollout ng serbisyong pangkalusugan at ng iba pang programa ng pamahalaan ay hindi dapat malimutan ang mga kababayan nating nakatira sa malalayong lugar.

Bilang tulong naman, nagkasa ng medical mission ang Anakalusugan Party-list sa ilang indegenouse people communities kamakailan—isa para sa Dumagat Tribe sa Doña Remedios Trinidad at para sa mga Mangyan sa Mindoro. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us