Mahigit 100 campaign posters na nakapaskil sa hindi designated poster area sa syudad ng Iloilo binaklas ng Comelec

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binaklas ng Comelec-Iloilo City ang mahigit 100 posters at campaign materials ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan na nakapaskil sa mga hindi designated area.

Ang Operation Baklas ay pinangunahan ng Comelec-Iloilo City, personnel ng Public Safety and Transportation Management Office (PSTMO) at Iloilo City Police Office.

Sa pagpunta ng Comelec sa mga barangay na sakop ng distrito ng Molo at Arevalo maraming campaign materials ang nakapaskil sa mga poste, linya ng kuryente at barangay hall.

Ayon kay Comelec Election Assistant Jonathan Sayno, matapos ang isinagawang Operation Baklas ng Comelec tutukuyin nila kung sino ang may ari ng mga poster at magsasagawa sila ng rekomendasyon sa Task Force Anti Epal.

Nagpaalala naman ang Comelec sa mga kandidato at sa kanilang mga supporters na sumunod sa panuntunan ng ahensya para makaiwas sa anumang kaso o reklamo. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us