DMW at DOLE, magkatuwang sa paghahanap ng trabaho para sa kaanak ng 4 na nasawing OFW sa Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinahanapan na ngayon ng pamahalaan ng trabaho ang ilan sa naiwang kaanak ng apat na nasawing OFW sa Israel.

Sa pulong ng House Committee on Overseas Workers Affairs, inihayag ni DMW OIC Usec. Hans Cacdac na salig sa atas ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, tutulungan nila ang mga OFW na nagbabalik bansa mula Israel dahil sa kasalukuyang gulo doon lalo na ang mga naiwang pamilya ng apat na OFW na nasawi.

Ani Cacdac nagkausap na sila ni Labor Sec. Benny Laguesma at hinahanapan na ngayon ang dalawa sa kaanak ng nasawing OFW mula Pangasinan.

Samantala, iniulat din ni Cacdac na sa P1.2 billion na AKSYON Fund ng ahensya na ginagamit na pantulong sa mga repatriated o umuuwing OFWs — 5,325 na aniya ang nakinabang.

Kabilang sa kanila ang mga apektadong OFW dahil sa lindol sa Turkey, hidwaan sa Sudan, sunog at pagguho ng gusali sa Dubai, Saudi at Qatar at ang kasalukuyang gulo sa Israel at Lebanon.

Ang mga umuuwing OFW ay nakakatanggap ng P30,000 na tulong ngunit mayroon aniyang ‘special circumstance’ gaya ng sa giyera kung saan P50,000 ang ibinibigay. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us