DSWD sa publiko: ‘wag paniwalaan ang mga kandidatong mangangako ng 4Ps para sa boto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na ‘wag paniwalaan ang mga kandidatong ipapangako ang 4Ps para sa kanilang boto.

Sa gitna ito ng posibleng paggamit ng ilang kandidato sa 4Ps lalo ngayong nagpapatuloy ang kampanyahan para sa Barangay at SK Elections.

Sa isinagawang DSWD Media Forum, nilinaw ni DSWD Asec. Romel Lopez na walang sinumang kandidato o local official ang may impluwensya sa listahan ng 4Ps.

Giit nito, tanging ang DSWD lang ang gumagawa ng assessment at desisyon kung dapat bang maging benepisyaryo ng 4Ps ang isang indibidwal.

Hindi rin aniya ganun kadali ang mapabilang sa programa dahil dumadaan ito sa mahabang proseso at sa mekanismo ng national household targeting system for poverty reduction.

Kaya naman, hirit ng DSWD sa publiko, sumangguni lamang sa ahensya at huwag umasa sa mga pangako ng kandidato. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us