DFA, wala pang napapaulat na Pilipinong sugatan o nasawi sa Gaza

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanatiling zero casualty o walang naitalang Pilipinong nasugatan o namatay sa Gaza hinggil pa rin sa nagpapatuloy na hidwaan sa pagitan ng pwersa ng Israel at ng grupong Hamas.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, dahil ito sa mas pinaigting na monitoring ng pamahalaan sa mga kababayang OFW na naiipit sa kaguluhan sa Gaza.

Kaugnay nito,113 OFW na ang nagpahayag ng paglikas mula sa Gaza at makabalik sa Pilipinas.

Samantala, hinahantay na lamang ng embahada na mabuksan na ang border papasok ng Israel upang maiproseso na ang mga Pilipinong nais nang lumikas. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us