DOTr, inatasan ang LTO na paigtingin ang ‘road safety’ sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang Land Transportation Office (LTO) na paigtingin ang road safety sa mga kalsada sa bansa at bigyang prayoridad ang kaligtasan ng mga pedestrian.

Ito ang pahayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista.

Ayon kay Bautista, inatasan na niya ang lahat ng regional directors ng LTO na dapat isulong ang ‘road safety’ lalo na para sa mga bata ngayong patuloy pa rin ang mga aksidente sa kalsada.

Umaasa ang kalihim na gagawin ng mga regional director ng LTO ang kanilang parte sa pagpapatupad ng mga programa sa ‘road safety’.

Dagdag pa ni Bautista, ang LTO ang nangungunang ahensya sa pagsusulong ng road safety education campaign kung saan itinuturo ang defensive at safe driving sa pagkuha ng driver’s license.

Batay sa datos ng DOTr, nasa 11,000 ang mga namamatay dahil sa aksidente sa kalsada kada taon dahil sa drunk driving, over speeding, texting while driving, at human behavior. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us