Mahigit 1,000 benepisyaryo ng 4Ps sa Dagupan City, natanggap na ang cash assistance mula sa DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 1,019 benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development ang tumanggap sa isinagawang pay out sa pamamagitan ng Over-The-Counter (OTC) sa Dagupan City Plaza.

Tiniyak ng LGU na makakaabot sa mga “deserving” na indigent Dagupeños ang tulong pinansyal mula sa national government at dahil sa mahigpit na validation na isinagawa ng LGU katuwang ang DSWD, nakasisiguro na ang matutukoy ay karapat-dapat na benepisyaryo ng programa.

Naniniwala ang LGU na makatutulong ito sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at pag-aaral ng kanilang mga anak.

Ayon sa LGU, patuloy ang kanilang commitment sa pagpapabuti ng kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino, at ganoon din ang inaasahan sa mga miyembro ng 4Ps bilang benepisyaryo ng programa ng gobyerno. | ulat ni Verna Beltran | RP Dagupan

📸: LGU Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us