Iminumungkahi ngayon ng National Economic and Development Authority o NEDA ang paggamit ng satellite-based technologies sa sektor ng agrikultura.
Ito ay upang magkaroon ng mas maayos na datos at makapaglatag ang pamahalaan ng naaangkop na mga polisiya.
Kabilang sa maaaring ma-monitor gamit ang satellite-based technologies ang inaasahang ani, mga peste sa pananim at mga flood risk area.
Umaaasa ang NEDA na magtutulungan ang mga ahensya ng pamahalaan pati na ang mga academic institution upang magamit ang nasabing teknolohiya. | ulat ni Diane Lear