Senador Bong Go, nagpaalala sa publiko kasabay ng pagtaas ng kaso ng typhoid sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa gitna ng pagtaas ng kaso ng typhoid sa bansa, nanawagan si Senate Committee on Health Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ Go sa mga Pilipino na maging alerto at palaging iprayoridad ang kanilang kalusugan.

Pinaalalahanan ni Go ang publiko, na laging tiyakin ang kalinisan sa katawan at agad na magpakonsulta sa sandaling may naramdamang hindi maganda sa katawan.

Sa datos ng Department of Health (DOH) umabot na sa 17,531 ang kaso ng typhoid ngayong taon.

Ang bilang ng typhoid cases mula Enero hangang Setyembre ngayong taon ay mataas ng 38% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon sa senador, dapat maging mapagbantay ang lahat sa mga sintomas ng sakit gaya ng lagnat at pagsusuka.

Hinimok din ni Go ang pamahalaan at health agencies, na paigtingin ang kanilang kampanya upang maturuan ang publiko kung paano maiiwasan ang naturang sakit, palakasin ang healthcare services at magpatupad ng istriktong hakbang para matiyak ang ligtas na pagkain at inuming tubig. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us