PNP, inilagay na sa Full Alert status para sa Barangay at SK Elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula alas-12:01 kaninang hatinggabi, nakataas na ang Full Alert status sa buong hanay ng Philippine National Police (PNP) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o BSK Elections 2023.

Dahil dito, todo alerto na ang may 187,000 buong puwersa ng Pulisya sa iba’t ibang panig ng bansa para tiyaking ligtas, maayos at mapayapang eleksyon.

Ngayong umaga, pangungunahan ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. ang pagpapasinaya sa Monitoring and Action Center sa Kampo Crame.

Kasunod nito, nakatakda namang magsagawa ng inspeksyon si Acorda sa iba’t ibang istratehikong lugar sa Metro Manila para alamin ang sitwasyon gayundin ang mga paghahanda para sa eleksyon kasabay na rin sa papalapit na Undas.

Isa ang PNP sa mga deputized agency ng Commission on Elections (COMELEC) para sa pagbibigay seguridad kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) gayundin ang Philippine Coast Guard (PCG).

Paalala naman ng PNP sa mga tauhan nito na sa ilalim ng Full Alert status, ipatutupad ang No Day Off, No Leave Policy sa layuning masiguro na matagumpay na maidaraos ang magkasunod na okasyon.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us