EcoWaste, naglabas ng ‘Cemetery Etiquette” ngayong Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nanawagan ang environmental group na EcoWaste sa publiko na isaalang-alang pa rin ang kalinisan ng kapaligiran maging sa pagbisita sa mga sementeryo ngayong Undas.

Pangunahing paalala pa rin nito sa mga bibisita sa sementeryo, huwag magkalat at basta magtapon gaya ng upos ng sigarilyo, candy wrappers, at mga pinagkainan kung saan-saan at bitbitin ang sariling basura.

Naglabas din ito ng cemetery etiquette o “cemetiquette” na maaaring maging gabay ng mga tutungo sa semeteryo o mga kolumbaryo.

Kabilang dito ang paggamit ng lead-free candles, pagbili ng sariwang mga bulaklak na iaalay sa mga yumao imbes na mga gawang plastic.

Mas mainam rin aniya kung magdadala ng sariling water jug ang mga ito at gumamit rin ng reusable containers at utensils, kung magbabaon ng pagkain.

Iwasang bumili ng mga pagkaing hindi naman mauubos at mga produktong nakalagay sa single-use disposable plastic containers at magdala na lang ng reusable bag para sa mga gamit.

Hanggat maaari, iwasan na rin aniya ang paninigarilyo sa sementeryo para na rin sa kapakanan ng mga bata, matatanda, at mga buntis na nasa paligid.

At pairalin din ang kalinisan at kortesiya tuwing gagamit ng palikuran.

“We continue to remind the general public to honor the dead by not leaving their trash inside the cemeteries. A waste free celebration of Undas is requisite in honoring the final resting place of our deceased loved ones,” ani Ochie Tolentino, Zero Waste Campaigner, EcoWaste Coalition.

Umaasa ang EcoWaste sa pakikiisa ng publiko upang mapanatiling ‘basura-free’ ang Undas ngayong taon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us