Agad nagpaabot ng tulong si Maguindanao del Norte with Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura sa may higit 250 pamilya ng Barangay Labungan sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, na apektado ng tensyon at harassment ng hindi pa kilalang armadong grupo.
Hinaras at nilusob ng mga armadong grupo ang naturang barangay kamakailan kung saan inatake ang kanilang kabahayan, mga ari-arian maging ang kanilang mga alagang hayop.
Bunsod nito ay pansamantalang inilikas ang mga residente na pawang mga indigenous people.
Binigyan naman sila ni Mastura ng food packs at grocery items katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). | ulat ni Kathleen Jean Forbes