Hinimok ng election watch group na National Citizens Movement for Free Elections o NAMFREL ang publiko na gamitin ang kanilang mobile app.
Ito’y para sa pagsusumbong ng mga katiwalian gaya ng vote buying gayundin ng mga makikitang karahasan na may kinalaman sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections sa Oktubre 30.
Para magsumbong, i-download lamang ang NAMFREL app sa Google Play o Apple store, maglog-in gamit ang Google, Facebook o Apple account
Pindutin lang ang BSKE 2023 Forms button sa home page at pindutin naman ang Incident Report Form button kung nais idulog ang mga kaso ng karahasan sa eleksyon
Kung may isusumbong namang katiwalian, pindutin ang add form button at pindutin ang incident report form na lilitaw sa My Forms section at ilagay ang mga kinakailangang impormasyon saka pindutin ang send.
Ayon kay NAMFREL Secretary General Eric Alvia, sa pamamagitan ng bagong app, umaasa silang mas makikibahagi ang publiko sa pagtataguyod ng malinis at tapat na eleksyon. | ulat ni Jaymark Dagala
📷: NAMFREL