Iprinisinta ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa Global Gateway Forum ang digital connectivity agenda ng Pilipinas.
Ibinahagi ng kalihim sa mga panelist mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang mga istratehiya ng Marcos Jr. Administration, para mapabilis ang pagpapatupad ng mga proyekto sa digital connectivity.
Aniya, ang mas mataas na paggasta ng pamahalaan sa imprastraktura ay magbubukas ng mga sektor ng ekonomiya para sa foreign participation, at paggamit sa private capital at expertise sa pamamagitan ng public-private partnership na mahalaga upang tugunan ang kakulangan sa digital sector.
Ayon pa sa DOF chief, ang mga proyektong ito at ang iba pang mga inisyatiba ay may multiplier effect.
Kabilang dito ang connecting markets sa urban at rural areas, pagpapalawak ng supply chains, gawing simple ang public at private transactions, pagpapahusay ng educational system, at maraming pang iba.
Tiniyak ni Diokno sa mga panelist ang digital inclusion para sa ikauunlad ng lahat ng Pilipino. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes