Hindi na muna itutuloy ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa darating na Nobyembre, na unang ipinangako ni suspended Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofillo Guadiz III.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, pag-aaralan muna ng ahensya kung ipagpapatuloy ang nasabing programa.
Dahil sa kakarampot na budget na nagkakahalaga lamang ng P1.3 billion kakaunti lang umano ang makikinabang.
Ani bautista, titingnan nila kung libreng sakay ang ibibigay o discount na lang sa mga pasahero. | ulat ni AJ Ignacio