DOTr Sec. Bautista, tiniyak na may sapat na mga bus na bibiyahe para sa eleksyon at Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Transportation Secretary Jaime Bautista na mayroong sapat na mga bus na bibiyahe sa araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at Undas 2023.

Ito ang pahayag ni Bautista sa ginawang inspeksyon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong araw.

Ayon sa kalihim, nakipag-ugnayan na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga kumpanya ng bus na mag-deploy ng karagdagang bus unit bilang paghahanda sa dagsa ng mga pasahero sa mga terminal.

Paliwanag naman ni LTFRB Officer-in-Charge Mercy Leynes na nasa 770 na special permits ang inisyu ng ahensya sa mga bus company simula pa noong October 20.

Dagdag pa ni Leynes na maaaring mag-isyu on the spot ang LTFRB ng special permit sa PITX para sa karagdagang deployment ng mga bus. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us