Hamon sa Social Security System o SSS na singilin ng kontribusyon ang mga OFW members nito.
Sa pagtalakay ng House Committee on Overseas Workers Affairs sa panukalang hiwalay na social security at pension system para sa mga OFW, sinabi ni Ronil Ugada mula SSS na sa 1.3 million OFW members, 542,000 lang ang aktibong nagbabayad.
Bagamat mandatory aniya sa batas na mapabilang sa SSS ang mga OFW ay hindi nila ito maipatupad ng tama dahil na sa hindi sila masingil o mahingan ng kontribusyon bago ang deployment.
Bunsod nito iminungkahi nila sa DMW na magkaroon ng data sharing gaya ng SS number registration ng OFW upang mabilis silang ma-contact matapos ang deployment para sa kanilang kontribusyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes