Philippine Red Cross, magde-deploy ng emergency medical services personnel para sa Undas 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magde-deploy ang Philippine Red Cross (PRC) ng emergency medical services personnel sa buong bansa para sa paggunita ng Undas 2023.

Kaugnay nito ay nakahandang magbigay ng libreng serbisyong medikal ang mga PRC volunteer at staff sa mga bus terminal, seaport, airport, highway, at memorial park

Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, makakaasa ang ating mga kababayan na ang mga volunteer at staff ng PRC ay laging handa at laging nandyan sa oras ng medical emergency.

Nagpasalamat naman si Gordon sa mga volunteer at staff ng PRC sa kanilang tulong para sa publiko lalo na sa panahon ng Undas.

Batay sa datos ng PRC noong Undas 2022, nasa 3,000 indibidwal ang naserbisyuhan ng kanilang emergency medical services personnel. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us