Mula alas-7:00 kagabi, dumagsa pa ang mga pasahero sa mga bus terminal sa Quezon City para makauwi sa probinsya.
Kabilang sa mga dinagsa ang Five Star Bus Terminal at Victory Liner Bus Terminal at Viron Transit at Baliwag Transit sa Edsa, Cubao.
Ang Five Star Bus ay may biyaheng Central Luzon, habang sa mga lalawigan naman ng Baguio, Olongapo,
Pangasinan, La union at iba pang lugar sa Northern Luzon, ang biyahe ng Victory Liner.
Hanggang madaling araw ay pansin pa rin ang dating ng mga pasahero sa nabanggit na bus terminal.
Dalawampu’t apat na oras ang biyahe ng Five Star/Montreal terminal at Victory Liner Southbound.
Samantala, minimal naman ang mga pasaherong dumating sa Araneta Center Terminal kagabi.
Bandang alas-10:00 ang cut off ng biyahe at muling nagbukas kaninang alas-4:00 ng madaling araw.
May mga nakatalaga namang help desk sa mga terminal na maaring puntahan ng mga pasahero kung may mga katanungan.
Nakadeploy din ang pulisya para magbigay ng seguridad sa publiko.
Asahan pa ang dagsa ng pasahero ngayong maghapon upang makauwi sa kani-kanilang lalawigan para makaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election at paggunita sa Undas. | ulat ni Rey Ferrer