Preventive suspension sa mga isinasangkot sa isyu ng Pharmally procurement, pinagpasalamat ni Sen. Hontiveros

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinagalak ni Senadora Risa Hontiveros ang paglalabas ng Office of the Ombudsman ng preventive suspension sa mga isinasangkot sa kwestiyunableng transaksyon ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) sa kumpanyang Pharmally Pharmaceutical corporation.

Matatandaang sina dating Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon at Senadora Risa Hontiveros ang nagsulong ng pagsasampa ng kaso sa Ombudsman.

Para kay Hontiveros, ang desisyon na ito ng Ombudsman ay nagpapatibay sa natuklasan ng senado na malakas ang ebidensya laban sa mga nasuspindeng opisyal ng PS-DBM.

Kasabay nito ay nagpasalamat ang senadora sa pagiging tapat ng Ombudsman sa mandato nito na panagutin ang mga gumagawa ng masama at labag sa batas.

Umaasa ang mambabatas na sa isinasagawang imbestigasyon ng Ombudsman ay mauungkat rin ang mga utak sa likod ng modus na ito at hindi lang ang mga maliliit na empleyado at mid-level na mga opsiyal.

Inaasahan rin ni Hontiverso na magbubukas rin ng imbestigasyonimbestigasyon para sa isyu ng mga overpriced personal protective equipment (PPE) at iba pang biniling kagamitan para sa pandemya dahil sa ngayon ay para sa COVID19 test kits pa lang ang saklaw ng Ombudsman order.

Inaantabayanan rin aniya ng senadora ang magiging resulta ng special audit na isinasagawa ng Commission on Audit (COA) tungkol sa isyu. | via Nimfa Asuncion

? Sen. Risa Hontiveros/FB

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us