Dalawang driver ng bus, nagpositibo sa isinagawang surprised drug test -LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang driver ng bus mula sa kabuuang 103 na sumailalim sa random drug screening test noong Oktibre 25 ang nagpositibo sa illegal drugs.

Ang surprised drug test ay isinagawa sa mga bus terminal sa panahon ng pagdagsa ng mga pasahero para sa Barangay at SK election at Undas.

Sa ulat ng Land Transportation Office, ang dalawang driver na nagpositibo sa ilegal na droga ay mula sa DLTB Terminal sa Pasay City at Five Star Bus Terminal sa Edsa, Cubao.

Hindi na pinayagang makapagmaneho ang mga driver habang hinihintay pa ang resulta ng confirmatory test.

Kumpiskado na rin ang kanilang driver’s license.

Kabilang noon ang dalawang bus terminal na ininspeksyon ng LTO, isa dito ang Victory liner sa Cubao.

Nasa 34 na bus units ang sumailalim sa road wothiness inspection, 7 units sa DLTB Terminal, 20 sa Five Star Bus at 8 units sa Victory liner. Wala namang driver ang nagpositibo sa Alcohol ramdom test.

Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza, kanilang inaasahan ang 1.6 million passengers na uuwi sa lalawigan mula kahapon, Oktubre 27 hanggang Nobyembre 6.  

Mananatili ang high alert status ng LTO hanggang susunod na linggo sa pag-uwi ng mga pasahero mula sa mga lalawigan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us