Sektor ng pangingisda, palalakasin muli ng administrayong Marcos ayon sa Federation of Free Farmers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pasisiglahin muli ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sektor ng pangingisda na umano’y ilang dekada nang napabayaan ng pamahalaan.

Ayon sa Federation of Free Farmers o FFF, iginiit ng Pangulo ang muling pagbuhay sa mga reporma ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa agri-fishery sector.

Ilang dekada nang napag-iwanan ang sektor ng pangingisda kaya’t kailangan na itong sumailalim sa agarang modernisasyon at mekanisasyon.

Sinisiyasat na ng Department of Agriculture (DA) ang mga pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda para palakasin ang kanilang ani at produksyon.

Kaakibat umano nito ang pag-angat ng antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino sa naturang mga sektor.

Sa panukala ng administrasyong Marcos, balak nitong maglaan ng P92.4-bilyong pondo sa taong 2024 para sa modernisasyon ng agri-fisheries sector.

Ngayong 2023, naglaan din ang Department of Agriculture ng P4.73-bilyong pondo bilang investment sa malakihang mekanisasyon at modernisasyon ng mga sektor ng agrikultura at pangingisda. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us