Higit 150,000 na pasahero inaasahan ngayong araw sa PITX

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong araw sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kaugnay ng paparating na Barangay and SK Elections at Undas.

Ayon kay PITX General Manager Jayson Salvador, asahan pa ang pagdagsa ng mga biyahero ngayong hanggang bukas sa PITX dahil umano sa weekend na ngayon.

Inaasahan nila na papalo sa 150,000 hanggang 160,000 ang bilang ng foot traffic sa PITX para sa mga uuwi sa mga probinsya.

Maliban sa paghahanda ng mga pasaherong uuwi, mas pinaghahandaan din daw ngayong ng PITX, ayon kay Salvador ang mga babalik matapos ang sunod-sunod na holiday.

Dahil kung ngayon daw ay maraming araw kung kailan maaaring lumuwas ang mga pasahero maaaring pagdating ng November 4 o 5 ay magsabay-sabay naman itong umuwi pabalik ng Metro Manila.

Sa kasalukuyan, as of 2pm, sa huling tala ng PITX aabot na sa 80,931 ang foot traffic dito lagpas kalahati ng ng kanilang estimate para sa ngayong araw. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us