PMO Agusan, puspusan ang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong long weekend

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na ang Port Management Office (PMO) Agusan sa pagdagsa ng mga pasahero alinsunod sa BSKE 2023 at sa pag-obserba ng Undas 2023.

Ayon kay Bernelou A. Joven, Media Relations Office ng PMO Agusan, ang ahensiya ay nasa heightened alert status dahilan ng pagdagdag nito ng mga Malasakit Help Desk bilang preparasyon sa long weekend alinsunod din sa Memorandum na ibinigay ni PPA General Manager Jay Daniel R. Santiago.

Dagdag pa aniya na nagsagawa din ng inspeksyon kahapon si Port Manager Mildred J. Padilla sa mga pasilidad ng Port of Nasipit.

Kabilang din sa mga naging preparasyon na isinagawa ng Port Police Division (PPD) PMO Agusan ang pagdeploy ng karagdagang Security Guards sa mga matataong lugar ng pantalan, at pagsagawa ng preventive maintenance ng X-Ray machines upang masiguro na ito ay functional lalong lalo na ngayong long weekend.

Kasama ng PMO Agusan ang Global Port Agusan Terminal Inc. (GATI) sa pagtiyak ng kaayusan at kaligtasan ng mga pasahero sa loob ng Passenger Terminal Building (PTB) kung saan mayroon itong libreng drinking water, charging stations, malinis na mga palikuran sa PTB.

Samantala, naglagay din ang GATI ng Halloween Photobooth upang mapasaya ang paghihintay ng mga pasahero sa kanilang byahe.| ulat ni Dayannara Sumapad| RP1 Butuan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us