QC LGU, kasado na sa lahat ng paghahanda para sa halalan bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naipamahagi na ng Quezon City government ang mga election paraphernalia sa polling precints na gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election bukas.

Naging maayos at walang aberya ang pamamamahagi ng kagamitan sa iba’t ibang distrito ng lungsod.

Ang lungsod Quezon ay mayroong itinalagang 169 polling precints sa anim na distrito, kabilang ang tatlong mall sa SM City North Edsa sa District 1, Robinsons Magnolia sa District 4, at SM City Fairview sa District 5.

Bilang paghahanda pa rin sa halalan bukas nag-set up na ng mga tents at iba pang kagamitan ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office, Department of Public Order and Safety, General Services Department at Office of the City Mayor.

May mga itinalaga ring mga medics at urban search and rescue personnel sa mga piling lugar sa lungsod.

Samantala, magtatalaga ang QC Traffic and Transport Management Department ng 887 tauhan upang magbigay ng tulong sa trapiko at mga traffic escort habang 390 tauhan mula sa Department of Public Order and Safety na magbibigay ng seguridad, escort, at monitoring kasama ang 372 miyembro ng Quezon City Police District.

Tinitiyak ng pamahalaang lungsod ang isang payapa, ligtas, at maayos na Barangay at Sangguniang Kabataan Election bukas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us