Dalawang nawawalang mangingisda na-rescue ng PCG sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natagpuan na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisda na unang napaulat na nawawala sa Bulig Shoal.

Sinasabing nawala malapit sa Bulig Shoal ang mga mangingisda matapos maubusan ng gasolina ang kanilang sinasakyang motorbanca.

Ito na rin ang naging dahilan upang sila ay dalhin ng malakas na hangin at alunin palayo sa kanilang mother boat na FB Lantis Andrei at mawala ng halos dalawang araw.

Agad namang naiulat ng Naval Forces West ang pangyayari sa Coast Guard District Palawan para humingi ng tulong sa pagsasagawa ng search and rescue augmentation.

Tumugon naman ang PCG sa pamamagitan ng pagpapadala nito ng BRP Sindangan sa lugar, kung saan nga nila matagumpay na natagpuan ang nawawalang mga mangingisda.

Agad na binigyan ng PCG ng medical assistance at pagkain ang mga mangingisda, at tiniyak na nasa maayos silang kalusugan. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us