One-Way Traffic Scheme sa ilang kalsada sa Pasig City, ipatutupad sa Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula alas-2:00 ng hapon ng Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1, 2023, ipatutupad ng Pasig City local government ang One-Way Traffic Scheme sa ilang kalsada sa lungsod para bigyang daan ang paggunita ng Undas.

Sa Traffic Advisory ng LGU, maaapektuhan nito ang C. Raymundo Avenue partikular mula sa E. Angeles St. hanggang Mercedes Ave. (North Bound).

Lahat ng sasakyan mula sa Mercedes avenue patungo ng Rotonda ay maaaring  dumaan sa C Raymundo avenue, kaliwa ng Stella Mariz st at kaliwa ng Dr.Sixto Antonio avenue at tuloy-tuloy na sa destinasyon.

Maaari ding daanan ang market avenue,kanan ng Dr.Pilapil st at kaliwa ng Angeles st at diretso na ng destinasyon.

Ang mga sasakyan mula sa C. Raymundo Southbound papuntang Rotonda ay maaaring daanan ang Stella Mariz st kaliwa ng Dr Sixto Antonio ave.at tuloy-tuloy na sa destinasyon.

Ang mga manggagaling naman sa  Dr.Sixto Antonio ave.papuntang Pasig City Cemetery(barracks) ay maaaring dumaan sa Rotonda at kaliwa ng C. Raymundo avenue at tuloy na sa destinaayon.

Samantala,pinasinayaan na rin ng Pamahalaang lungsod ang12,000 door na Pasig City Cemetery-

Columbarium bago ang Undas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us