Pagbibigay prayoridad sa locally manufactured building products, para sa mga hinaharap na infra projects, pinagaaralan na ng Marcos Administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tututukan na ng Marcos Administration ang pagbili sa lokal na building materials para sa mga infrastructure projects ng pamahalaan sa hinaharap.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Infrastructure Cluster, na bigyang prayoridad ang locally manufactured na building materials.

Ayon sa PSAC ang local manufacturing industries na lumilikha ng semento, bakal, at iba pang construction materials ay sumusunod sa Philippine national standard, at kayang tumagal ng mga produktong ito sa klima at natural disasters na nararansan sa Pilipinas.

Kaugnay nito, inatasan ng pangulo ang Department of Trade and Industry (DTI) na higpitan pa ang pakikipaguganayan sa PSAC para sa listahan ng mga partikular na construction materials na maaaring magamit para sa government infrastructure projects. 

Inatasan rin ng pangulo ang Department of Budget and Management (DBM), sa pamamagitan ng Government Procurement Policy Board, na suportahan ang polisiya sa pamamagitan ng guidelines, subject to existing laws, rules and regulations.  

Ayon kay Pangulong Marcos, kailangan na ngayon pa lamang, ma-specify na kung anong mga materyales ang bibilhin ng pamahalaan, upang hindi na magka-problema sa hinaharap.

“We have to match the capacity and the demand. But again, that if you can say that from now on, 100 percent of our – comes from the Philippines, magtatayo ng planta ‘yan but we need to make everything clear, kung AO (Administrative Order) iyan or some other form,” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us