Election paraphernalia para sa Jolo, nasuri na ng mga EB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging maayos ang delivery ng mga accountable form at iba pang election paraphernalia para sa bayan ng Jolo, mula provincial hub patungo sa municipal hub.

Kaninang umaga ay sinuri na ng mga guro magsisilbi ang lahat ng election materials para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE) bukas, araw ng Lunes, ika-30 ng Oktubre taong kasalukuyan.

Ayon kay Rhoderick Tan, Municipal Treasurer ng Jolo, pagkatapos suriin ng mga guro ay ibabalik din nila ito sa Treasurer’s office at bukas dakong alas kwatro ng madaling araw ay ibibigay na sa kanila ang lahat ng ito para dalhin sa mga polling precinct na gagamitin para sa eleksyon.| ulat ni Fatma Jinno| RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us