Eskwelahan sa Batasan, maagang pinilihan ng mga botante ngayong BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maaga pa lang ay mahaba na agad ang pila ng mga botante sa President Corazon Aquino Elementary School sa Batasan, Quezon City.

Kasama ito sa mga voting center na may malaking bilang ng mga botante sa lungsod.

Kasama sa unang pumila rito si Nanay Joselyn na alas-4 pa lang ng madaling araw nakapila na para maagang makaboto at hindi na tanghaliin pa.

May trabaho naman si Ate Jacquelyn kaya inagahan na ring pumila sa voting center para maagang matapos makaboto sa BSKE.

As of 5:30am, tanging mga poll watcher at mga guro palang ang pinapayagang makapasok sa eskwelahan.

Habang may mga senior na rin ang pinapapasok para sa loob na ng eskwelahan maghintay.

May nakaset up naman na sa bungad ng PCAES na locator map para makatulong sa mga botante.

Mahigpit din ang ipinatutupad na seguridad na bantay sarado ng mga tauhan ng QCPD.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us