Pinaalalahanan ng mga Board of Election Inspectors ang mga botante lalo na ang mga matatanda, may kapansanan, at buntis, na samantalahin ang emergency accessible polling place (EAPP).
Ang EAPP ay itinalaga para sa mga senior citizen, persons with disability at maging mga buntis na hindi na kakayaning umakyat pa sa kanilang mga polling precinct.
Ayon kay Ms. Maricor Reyes isa sa mga volunteer sa Highway Hills Integrated School, maaaring dumiretso sa verification area ang naturang sektor.
Oras na maberipika ang kanilang presinto ay kukunin ang kanilang balota para kanilang sagutan.
Ang authorized representative naman nito o kaya ang BEI ang magsusumite o magpapasok ng balota sa ballot box sa presinto kung saan siya nakadestino.
Ang isa sa mga botante, pinili na doon na lang sa kaniyang polling precinct bumoto para personal na maipasa ang balota.
Ang kaniya namang misis, pinilisa EAPP bumoto dahil hindi na maka-akyat ng hagdan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes