Mall voting para sa BSKE, nagsimula na rin sa SM North EDSA Skydome

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ongoing na rin ang botohan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections dito sa SM North EDSA Skydome na isa sa mga pilot area ng Comelec para sa mall voting.

Di gaya ng sitwasyon sa ilang voting center, hindi gaanong dagsa ang mga botante dito na mula sa Brgy. Alicia.

Sa bawat entrance, mayroong volunteer mula sa PPCRV na umaasiste sa mga botante.

Nakahati naman ang venue sa limang clustered precinct.

Inaasahang aabot sa higit 2,000 registered voters ang boboto rito mula sa Brgy. Alicia.

Kaugnay nito, ilang botante ang ikinatuwa ang mall voting.

Ayon kay Lea, maayos at komportable ang kanyang naging pagboto sa SM North EDSA Skydome.

Sinabi rin ni Angie na mas organisado ang mall voting kumpara sa ibang voting center na nagkakagulo ang mga botante. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us