Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang agarang pagdakip sa mga suspek sa pamamaril kaninang alas-6 ng umaga sa Barangay Bugawas, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong umaga, inulat ni Acorda na kasalukuyang nagsasagawa ng hot pursuit operations sa mga responsable sa insidente na ikinasawi ng dalawang indibidwal at ikinasugat ng apat na iba pa.
Sa ulat ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) kinilala ang mga suspek na sina Romar Abas alias Mok, Keds Lidasan alias Keds, Michael Abas, at Teng Kapaya.
Kinilala naman ang mga nasawi na sa Juhaimin Ube at isang alias “Mistake”; habang sugatan naman sina, Mohalidin Solaiman, Jerik Alon, Nasrudin Salik, at Harong Tating. | ulat ni Leo Sarne