DepEd, pinalawig ang period of consultation, application para sa mga pribadong paaralan na planong magtaas ng matrikula

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawig ng Department of Education (DepEd) ang period of consultation at application para sa mga pribadong paaralan na planong magtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa susunod na school year.

Batay sa DepEd Memorandum Number 19, series of 2023, extended ang konsultasyon para sa tuition and other fee increases sa June 15 para sa School Year 2023-2024.

Maging ang deadline ng pagsusumite ng documentary requirements ay itinakda na sa June 30 mula sa dating May 15.

Inatasan ng DepEd ang regional directors na i-review ang application na may kinalaman sa pagtaas ng singil sa matrikula at iba pang school fees.

Samantala, pinalawig naman ang deadline ng application para sa renewal ng permits to operate ng private education institutions sa April 15 habang ang application for new offerings para sa School Year 2024-2025 ay sa October 31. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us